Nakararaming Pinoy maliit ang tiwala sa China; pero labis na nagtitiwala sa US – SWS survey

By Dona Dominguez-Cargullo July 19, 2019 - 02:26 PM

 

Bumagsak sa -24 percent o ‘poor’ ngayong buwan ng Hunyo ang trust rating ng mga Pinoy para sa China.

Mas mababa pa ito kumpara sa -6 percent o ‘neutral’ na rating noong buwan ng Marso.

Ito ang lumitaw sa isinagawa survey ng Social Weather Stations o SWS.

Binigyan naman ng nakararaming Filipino ang US ng +73 percent na trust rating o ‘excellent’, mas mataas pa kumpara sa +60 percent noong nagdaang survey.

Lumitaw sa June survey ng SWS na 51 percent ng mga Pinoy ang mayroong ‘little trust’ o maliit lang na tiwala sa China.

Habang 27 percent ang mayroong “much trust, at ang nalalabing 21 percent ay undecided.

Samantala, 81 percent naman ng Filipinos ang mayroong ‘much trust’ sa US habang 8 percent ang mayroong ‘little trust’ at 11 percent ang undecided.

Ginawa ang survey mula June 22 hanggang 26 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 na Filipino adults.

TAGS: maliit ang tiwala sa China, Nakararaming Pinoy, sws survey, maliit ang tiwala sa China, Nakararaming Pinoy, sws survey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.