Ilang flights kanselado ngayong araw, July 19 dahil sa sama ng panahon

By Dona Dominguez-Cargullo July 19, 2019 - 02:02 PM

Kanselado ang ilang biyahe ng eroplano ngayong araw dahil sa sama ng panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), alas 12:00 ng tanghali kinansela ang ilang biyahe ng eroplano sa terminal 4 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kabilang sa apektado ang flights M8 816 / 817 Manila – Basco – Manila ng Skyjet.

Una nang nag-abiso ang PAGASA na ang Batanes ay apektado ng Bagyong Goring.

Pinayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking ng flight o refund ng pamasahe.

TAGS: cancelled flights, MIAA, NAIA, Radyo Inquirer, cancelled flights, MIAA, NAIA, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.