1 patay, 8 sugatan sa karambola ng 4 na sasakyan sa Lucena

By Dona Dominguez-Cargullo July 19, 2019 - 01:39 PM

Isa ang patay habang walo naman ang nasugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Lucena City.

Nangyari ang aksidente Biyernes ng umaga sa Diversion Road sa Barangay Ibabang Dupay.

Sangkot sa aksidente ang isang pampasaherong bus, elf truck, commuter van at pick-up.

Batay sa imbestigasyon, nag-overtake ang JAC Liner Bus na biyaheng Pagbilao, Quezon kaya nabangga ang kasalubong na elf truck at nadamay ang dalawa pang sasakyan.

Nasawi sa nasabing aksidente ang driver ng elf truck habang sugatan ang pahinante nito.

Sugatan din ang pitong sakay ng commuter van.

TAGS: accident, bus, elf truck, Lucena City, Quezon, van, accident, bus, elf truck, Lucena City, Quezon, van

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.