LTFRB nagpalabas ng preventive suspension sa bus na nasangkot sa aksidente sa Quezon

By Dona Dominguez-Cargullo July 19, 2019 - 11:24 AM

Nagpalabas ng preventive suspension order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa P&O Transportation matapos itong masangkot sa madugong aksidente sa Maharlika Highway sa bayan ng Lopez, Quezon.

Ayon sa LTFRB, nagpadala na rin sila ng tauhan para imbestigahan ang aksidente.

Inatasan din ng LTFRB ang insurance companies na magpadala ng tauhan nila sa accident site at asikasuhin ang mga biktima partikular ang kanilang insurance benefits.

Nagpaabot din ng pakikiramay ang LTFRB sa mga naulila ng apat na nasawi sa aksidente.

Binabagtas ng P&O Transport Bus ang Maharlika Highway nang banggain nito ang isang Toyota HiAce Van.

Nasawi sa ang mag-asawa at isa nilang anak na babae na sakay ng van, gayundin ang driver ng van.

TAGS: 4 killed, bus accident, lopez, ltfrb, preventive suspension, Quezon, 4 killed, bus accident, lopez, ltfrb, preventive suspension, Quezon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.