11 estudyante patay nang mahulog sa bangin ang sinasakyang truck sa Cebu

By Jimmy Tamayo July 19, 2019 - 10:30 AM

Patay ang nasa 11 estudyante habang nasa 20 ang sugatan makaraang mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang mini dump truck sa Boljoon, Cebu bandang ala-7:00 biyernes ng umaga.

Kinumpirma ni Boljoon Public Information Officer Ruben Nieri ang aksidente.

Ang mga mag-aaral na nasa idad na 10 hanggang 12 ay patungo ng bayan para dumalo sa “Health Week” ng Department of Education nang mangyari ang trahedya.

Hindi agad naisugod sa ospital ang mga biktima sa kawalan ng ambulansya kaya isinakay na lamang sa ibang truck ang mga ito.

TAGS: 11 dead, accident, cebu, department of health, 11 dead, accident, cebu, department of health

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.