2 sundalo patay sa pananambang ng NPA sa Arakan, North Cotabato
Patay ang dalawang sundalo makaraang tambangan ng mga miyembro ng New People’s Army sa Barangay Kinawayan, Arakan sa North Cotabato.
Kinilala ang mga nasawi na sina Private Lendo Borja, 26-anyos ng Barangay Balod, Saint Bernard, Southern Leyte at Private Jame Paul Devara, 24 anyos na taga Barang Socorro, Catbalogan Samar na pawang miyembro ng 19th Infantry battalion.
Lumalabas sa imbestigasyon na sakay ang mga sundalo ng motorsiklo mula sa kanilang kampo sa sa Barangay Salasang ng pagbabarilin ng nasa limang rebelde bandang alas-4:50 Huwebes ng hapon.
Nakuha sa crime scene ang apat na basyong catridges case ng M16 rifle.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.