Nasawi sa panununog sa isang animation studio sa Kyoto, Japan umakyat na sa 33

By Dona Dominguez-Cargullo July 19, 2019 - 08:40 AM

AP Photo
Talumpu’t tatlo na ang naitalang nasawi sa sadyang panununog sa isang animation studio sa Kyoto, Japan.

Maliban sa mga nasawi mayroon pang 36 na nasugatan, ilan sa kanila ay kritikal ang kondisyon.

Ayon sa mga otoridad, isang 41 anyos na lalaki ang sadyang sinunog ang studio.

Nadinig pa umano itong sumisigaw ng “You die” habang ginagawa ang krimen.

Nasugatan din ang suspek at ngayon ay bantay-sarado sa ospital.

Karamihan sa mga biktima ay empleyado ng Kyoto Animation.

Dalawampu sa mga nasawi ay nakita sa 3rd floor ng gusali habang ang iba pa ay natagpuan sa 2nd floor, sa hagdan at bubong.

TAGS: animation studio, fire incident, Kyoto Japan, Radyo Inquirer, animation studio, fire incident, Kyoto Japan, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.