Mayor ng Balud Masbate, nakaligtas sa bomb attack

By Jay Dones December 24, 2015 - 04:15 AM

 

Mula sa google maps

Nakaligtas sa kamapahamakan ang alkalde ng bayan ng Balud, Masbate makaraang pasabugan ng mga hinihinalang NPA ang kanyang sasakyan, Martes ng umaga.

Maswerteng nakaligtas sa pananambang si Mayor Ruben Jude Lim na patungo sana sa isang Christmas party nang maganap ang tangkang pagpatay dito ng mga rebelde.

Ayon kay Police Sr. Insp. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Region 5 Police Regional Office, sakay ng kanyang Ford Ranger ang alkalde at binabaybay ang national road sa Bgy Ilaya sa Balud nang pasabugan ng 2 IED ang kanyang sasakyan na sinundan ng putok mula sa mga NPA members.

Gayunman, nagawang makaganti ng putok ang mga bodyguards ng alkalde kaya’t napilitang umatras ng mga rebelde.

Sanhi ng pananambang , nabasag ang windshield ng sasakyan ni Mayor Lim sanhi ng mga shrapnel ngunit maswerteng walang tinamaan sa mga saky nito.

Maging ang isang ambulansya na reresponde sana sa insidente ay pinaputukan din ng mga miyembro ng rebel group.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.