Kilos ng LGUs mahalaga para mapigilan ang dengue outbreak

By Jan Escosio July 19, 2019 - 08:18 AM

Naniniwala si Senator Nancy Binay kung maagap lang na kikilos ang mga lokal na pamahalaan mapipigilan pa ang paglobo ng bilang ng kaso ng dengue.

Sinabi nito na ang pagtukoy ng mga LGUs sa mga lugar kung saan may mga kaso na ng dengue ngunit hindi pa naiuulat sa otoridad ay napakahalagang hakbangin.

Aniya ang mga lokal na pamahalaan ay maaring atasan ang mga barangay na gumawa rin ng preparedness and response plan para hindi na madagdagan ang kaso ng dengue sa kanilang lugar.

Reaksyon ito ni Binay sa pagdedeklara ng DOH ng National Dengue Alert noong nakaraang Lunes.

Aniya maaring magpasaklolo sa mga Armed Fprces of the Philippines (AFP) reservists at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa paglilinis sa mga barangay partikular na sa mga paaralan sa katuwiran nito na ang dengue ay bunga ng maruming kapaligiran.

Sa naitalang 106,630 dengue cases simula noong Enero, mataas na ito ng 85 porsiyento kumpara noong 2018.

Ngayon taon, may 456 na rin ang namamatay dahil sa sakit na nag-ugat sa kagat ng lamok.

TAGS: Dengue, dengue cases, Health, Dengue, dengue cases, Health

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.