Tapat na Aeta worker nagsauli ng US$1,000

By Dona Dominguez-Cargullo July 19, 2019 - 08:05 AM

Isang Aeta utility worker sa Clark International Airport (CRK) ang nagsauli ng sobre na naglalaman ng US$1,000.

Naiwan ang nasabing sobre ng isang papaalis na pasahero.

Ayon sa Aeta worker na si Grace Laxamana, 42 anyos, napansin niya ang sobre na naiwan sa isang upuan sa second floor ng international departure area ng airport.

Naglalaman ang sobre ng sampung piraso ng US$100 bills na sa kabuuan ay US$1,000.

Agad ibinigay ni Laxamana ang sobre kay airport operations officer Raymund Salazar.

Sa review sa CCTV footage ng mga paalis na pasahero, nakita na nalagalag ang naturang sobre mula sa isa sa mga pasahero na pasakay ng Cebu Pacific flight 5371 patungong Singapore.

Ayon kay Clark International Airport Corp. (CIAC) president Jaime Melo, proud sila sa ginawa ni Laxamana.

Nasa pag-iingat ng airport authorities ang pera.

TAGS: aeta worker, clark airport, dotr, aeta worker, clark airport, dotr

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.