Turistang Chinese nabiktima ng mga kawatan sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo July 19, 2019 - 06:44 AM

Isang turistang Chinese ang nabiktima ng mga magnanawak sa Maynila at nakuhanan ng mahahalang gamit.

Dumulog sa mga otoridad ang 21 anyos na dayuhan para isumbong na nakuhanan siya ng relo, smartphone, credit cards, at cash na aabot sa P8,000 ang halaga.

Kuwento ng biktima nasa bahagi siya ng Manila Bay nang lapitan siya ng dalawang babae na sa kaniyang tansa ay nasa edad 60 at 30.

Nakipagkwentuhan umano sa kaniya ang mga ito at niyaya siyang maghapunan sa isang restaurant sa Paranaque.

Pagkatapos kumain, dumeretso naman sila sa isang videoke house kasama ang isa pang lalaki at isa pang babae.

Pagkatapos noon, sinabi ng biktima na hindi na niya namalayan ang nangyari dahil nagising na lamang siyang sakay siya ng tricycle at hinatid siya sa kaniyang tinutuluyang hotel.

Ayon sa manager ng hotel ng tinutuluyan ng biktima, bago ang Chiense, mayroon nang isang Japanese at Australian na nabiktima rin ng kawatan.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

TAGS: bay walk, chinese, manila, theft, tourist, bay walk, chinese, manila, theft, tourist

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.