Metro Manila, malaking bahagi ng Luzon uulanin dahil sa Habagat
Apektado ng Habagat ang buong Luzon kasama na ang Metro Manila.
Batay sa weather forecast ng PAGASA, ngayong araw, makararanas ng pag-ulan sa Ilocos Region, Batanes, Babuyan Group of Islands, Zambales, at Bataan.
Maulap na papawirin naman na may kalat-kalat nap ag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa Metro Manila, Cordillera Administrative Region, CALABARZON, MIMAROPA, at nalalabi pang bahagi ng Central Luzon at Cagayan Valley.
Sinabi ng PAGASA na ang pag-ulan na dulot ng Habagat ay maaring magdulot ng pagbaha at landslides.
Ang nalalabi namang bahagi ng bansa ay makararanas lamang ng isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.