3 miyembro ng pamilya at kanilang driver patay sa aksidente sa Quezon

By Dona Dominguez-Cargullo July 19, 2019 - 06:25 AM

(UPDATE) Tatlong miyembro ng pamilya at kanilang driver ang nasawi sa aksidente na naganap sa Barangay Malay, Lopez, Quezon.

Kinilala ng Quezon Provincial Police ang mga nasawi na sina Raymundo Acebuche, kaniyang asawa na si Maryjoy Claire, at 20 anyos nilang anak na babae na si Raquel.

Nasawi din ang driver ng sinasakyan nilang Toyota Hiace Van na si Paterno Carnate Jr.

Nakaligtas naman ang dalawa pang anak ng mag-asawang Acebuche na sina Roselyn at Rafael na lulan din ng van.

Batay sa ulat binabagtas ng P&O Transport Bus na minamaneho ni Marlon Ricon ang Maharlika Highway nang mabangga nito ang van alas 11:55 ng gabi ng Huwebes (July 18).

Pagkatapos banggain ang van, binangga pa ng bus ang isang tricycle at ang nakaparadang Honda Civic.

Dinala lahat sa ospital ang mga biktima, pero ang apat ay idineklarang dead on arrival habang 9 pa ang ginagamot.

Inaresto si Ricon at mahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Multiple Homicide, Physical Injury, at Damage to Property.

TAGS: 4 dead, 9 injured, accident, bus accident, lopez, Quezon, 4 dead, 9 injured, accident, bus accident, lopez, Quezon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.