Bagyong Falcon nag-iwan ng 4 na patay

By Len Montaño July 19, 2019 - 05:06 AM

PUDTOL MUNICIPAL OFFICE photo

Nag-iwan ng apat na patay ang Bagyong Falcon na nakalabas na ng bansa Huwebes ng Hapon.

Ang mga nasawi dahil sa masamang panahon ay nagmula sa dalawang lalawigan sa Northern at Central Luzon.

Ayon kay Rogelio Sending Jr., acting provincial information officer, nalunod ang magsasakang si Judith Berbano, 43 anyos matapos matangay ng malakas na current ng tubig sa ilog sa bayan ng Abulug.

Isa pang magsasaka na kinilalang si Carlos Zedong, 45 anyos ang nalunod din habang tumatawid naman sa Dummun River.

Nalunod din sina Marisol Yeke, 21 anyos at Alison Testimio, 20 matapos maligo sa dagat sa Iba, Zambales.

Sa paglabas sa PAR ay bahagya pang lumakas at bumlis ang bagyo.

Samantala, minomonitor ng Pagasa ang isa pang low pressure area na maaaring maging bagyo rin sa weekend.

Huli itong namataan sa bahagi ng Sinait, Ilocos Sur at nasa labas pa ng PAR.

 

TAGS: 4 patay, Bagyong Falcon, nalunod, Pagasa, 4 patay, Bagyong Falcon, nalunod, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.