3 hinihinalang akyat-bahay patay sa engkwentro sa Quezon City

By Rhommel Balasbas July 19, 2019 - 04:33 AM

Nasawi ang tatlong hinihinalang akyat-bahay matapos makaengkwentro ang mga pulis sa Novaliches, Quezon City.

Ayon sa QCPD Station 4, nakatanggap sila ng sumbong mula sa isang concerned citizen tungkol sa mga kahina-hinalang tao sa Brgy. Nagkaisang Nayon.

Agad na pinuntahan ng mga pulis ang lugar ngunit hindi naabutan ang sinasabing mga personalidad.

Makalipas ang isang oras, muling nakatanggap ng sumbong ang mga pulis at inikutan na ang lugar.

Namataan na ang mga lalaki at dadalhin sana sa istasyon ng pulis ngunit nagpaputok ang mga ito ng baril dahilan para mapilitang gumanti ang mga pulis.

Nakuha mula sa pinangyarihan ng engkwentro ang tatlong baril at isang backpack.

 

TAGS: akyat bahay, engkwentro, patay, QCPD, quezon city, akyat bahay, engkwentro, patay, QCPD, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.