Pacquiao sasamantalahin ang butas sa estilo ni Thurman

By Len Montaño July 19, 2019 - 04:29 AM

May mga nakitang butas si Manny Pacquiao sa estilo ng laban ni Keith Thurman at ito ang nakikitang niyang bentahe para manalo sa ring.

Ayon kay Pacquiao, sasamantalahin niya ang mga butas sa boxing style ng Amerikanong fighter.

Pinanood ng pambansang kamao ang laban ni Thurman kay Danny Garcia noong 2017 kung saan nanalo ito via split decision.

Sa tingin ng Senador, dalawa ang nakita niyang kahinaan ni Thurman na maaari niyang samantalahin para burahin ang malinis na record ng kalaban.

Minaliit naman ni Pacquiao ang pahayag ni Thurman na makikipagsabayan ito sa kanya.

Sa ngayon ay 100 porsyento nang handa si Pacquiao sa laban nila ni Thurman sa Las Vegas sa Sabado o sa Linggo dito sa Pilipinas.

 

TAGS: butas, estilo, kahinaan, Keith Thurman, manny pacquiao, sasamantalahin, butas, estilo, kahinaan, Keith Thurman, manny pacquiao, sasamantalahin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.