Manila Mayor Isko Moreno pinipilahan ng envoys ng ibang bansa
Tila nakapila na ang kinatawan ng iba’t ibang bansa kay Manila Mayor Isko Moreno matapos ang mga repormang ipinatupad nito sa kabisera ng bansa sa loob lamang ng dalawang linggo.
Noong Miyerkules, June 17, binisita ni British Ambassador to the Philippines Daniel Pruce si Moreno para alukin ng tulong sa urban planning ng lungsod.
Sa talumpati sa harap ng mga miyembro ng Rotary Club of Manila sinabi ng alkalde na ‘done deal’ na ang usapan nila ni Pruce.
Masaya ang alkalde dahil napakamahal umano ng mga bagay na inaalok ng British envoy at kapag nagkataon ay napakalaking tulong ng mga ito sa mga Manileño.
Magugunitang noong nakaraang linggo ay nakapulong din ni Moreno si US Ambassador Sung Kim sa US embassy at napag-usapan ang mga plano ng alkalde para sa lungsod.
Pinuri ni Kim si Moreno at tinawag pang ‘total rockstar’.
Pero bukod sa dalawa, nakatakdang bumisita ngayong araw, July 19 sa Manila City Hall si Panamanian Ambassador and Consul General Rolando Alvarado.
Habang si Japanese Ambassador Koji Haneda naman ay humiling ng pulong kay Moreno sa Lunes, July 22.
Lubos ang pasasalamat si Moreno sa Diyos dahil sa ipinapakitang intensyon sa pagtulong ng mga foreign diplomats sa lungsod ng Maynila.
“Awa naman ng Diyos, I’m honored and grateful that the members of diplomatic corps are showing intentions in helping the city of Manila,” ani Moreno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.