Coco Martin nagbirong hanggang 2045 pa ang telerseryeng “Ang Probinsyano”

By Len Montaño July 19, 2019 - 03:33 AM

Tila hindi na kaya ng ilang netizens ang pagiging “forever” o pagtagal pa ng ilang taon ng teleseryeng “Ang Probinsyano.”

Sa kanyang Instagram ay nag post ang lead star ng “Ang Probinsyano” na si Coco Martin ng kanyang larawan kung saan ginamit nito ang patok ngayon na FaceApp.

Nakasaad sa larawan ng “matandang” Coco ang caption na “FPJ Ang Probinsyano” at ang #2045.

Ang post ng aktor ay kasunod ng episode noong July 16 kung saan napanood na tatlong beses itong sinaksak at apat na beses na binaril ng karakter na ginampanan ni Baron Geisler.

Pinag-usapan sa social media kung ito na ba ang pagtatapos ng “Ang Probinsyano.”

Ilan ang sinakyan ang joke ng binata at nagsabi na triplets ang karakter ni Coco na si Cardo kaya hindi pa tapos ang palabas.

Pero may ilan naman ang hindi natuwa sa biro ni Coco at nagsabing pahinga na raw ang aktor at “nakakasuka” na ang teleserye.

 

TAGS: #2045, Ang Probinsyano, Baron Geisler, Coco Martin, death scene, FaceApp, joke, matanda, #2045, Ang Probinsyano, Baron Geisler, Coco Martin, death scene, FaceApp, joke, matanda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.