Higit 7,800 na pulis pinarusahan dahil sa madugong anti-drugs operations
Libo libong mga pulis ang pinatawan ng mga parusang administratibo kung saan mahigit 2,000 ang sinibak sa pwesto dahil sa pagkakamali sa anti-drugs operation gaya ng pagkamatay ng drug suspects.
Sa isang press conference araw ng Huwebes sinabi ni Communications Assistant Secretary Marie Rafael Banaag na 14,724 na mga pulis ang inimbestigahan sa pagkasangkot sa police operation na nagresulta sa pagkamatay ng suspek mula July 2016 hanggang noong nakaraang Abril.
Nasa 7,867 anya sa mga pulis ang sumailalim sa administrative punishments dahil sa lapses sa drug raids.
Nakasaad sa datos na iprinisinta ni Banaag na 2,367 na police officers ang tinanggal, 4,100 ang sinuspinde habang ang iba ay na-reprimand, demoted o ang mga sweldo ay forfeited o inalisan ng ilang pribilehiyo.
Pero walang sinabi ang opisyal kung ilang pulis ang sinampahan ng kaso dahil sa seryosong kapalpakan o krimen na nagawa habang ipinapatupad ang kampanya laban sa droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.