M3.5 na lindol yumanig sa Surigao del Sur

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bahagi ng Surigao del Sur alas-12:02 Biyernes ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong apat na kilometro Timog-Kanluran ng bayan ng Carrascal.

May lalim itong siyam na kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ang Intensity III sa Carrascal, habang Intensity II naman sa mga bayan ng Cantilan at Carmen sa Surigao del Sur.

Ayon sa Phivolcs, aftershock pa rin ito ng magnitude 5.5 na lindol sa lalawigan noong July 13.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang panibagong pagyanig at wala ring inaasahang aftershock.

 

Read more...