2 Chinese arestado sa illegal detention ng Taiwanese sa hotel sa Pasay

By Len Montaño July 19, 2019 - 02:02 AM

Pasay Police photo

Arestado ang dalawang Chinese nationals dahil iligal umano nilang ikinulong ang isang Taiwanese sa isang hotel sa Pasay City.

Nakilala ang mga hinuling dayuhan na sina Zhang Shian, 31 anyos at Yan Ming Jian, 27 anyos at parehong nakatira sa Parañaque City.

Nakatanggap ang Pasay Police ng text message mula sa Pasay Police Station Tactical Operation Center ukol sa biktima na si Tsai Yen Chen, 22 anyos na dinala umano sa Saiyan Travellers Inn sa Domestic Road, Pasay City.

Dahil sa tip ay naglunsad ang pulisya ng operation para kumpirmahin kung nakakulong nga ang biktima sa naturang lugar.

Pagpasok sa kuwarto ay nakita ng mga pulis ang biktima na nasa kama habang ang dalawang suspek ay nasa isa pang kama.

Ayon kay Tsai, labag sa kanyang kagustuhan nasa lugar siya mula alas 4:00 ng madaling araw hanggang 9:40 ng umaga.

Magsasampa ng kaso ang Taiwanese laban sa 2 Chinese na nakakulong na sa Pasay Police Station.

 

TAGS: 2 chinese, hotel, Illegal detention, Pasay, Pasay Police, Saiyan Travellers Inn, Taiwanese, 2 chinese, hotel, Illegal detention, Pasay, Pasay Police, Saiyan Travellers Inn, Taiwanese

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.