Duterte posibleng magdeklara ng martial law kapag umabot sa Metro Manila ang terorismo
Hindi magdadalawang-isip si Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng martial law kung makaabot na sa Metro Manila ang terorismo.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, labis kasing nabahala si Pangulong Dutete sa naganap na suicide bombing Indanan, Sulu kung saan 8 ang nasawi.
Gayunman, hindi tinukoy ni Panelo kung sa buong bansa ipatutupad ang batas militar.
Sa ngayon, umiiral ang martial law sa Mindanao region matapos ang pag-atake ng ISIS-inspired Maute Group sa Marawi City noong 2017.
Ayon kay Panelo, nagbanta na noon ang Pangulo na huwag siyang sasagarin dahil kapag napuno ay gagamitin niya ang lahat ng kanyang kapangyarihan na ipinagkaloob ng Konstitusyon.
Ayon pa sa Kalihim, isa rin sa mga opsyon ng Pangulo ang pagdeklara ng revolutionary government o paggamit ng emergency powers para labanan ang anumang tangka ng pagpapabagsak sa bansa.
Obligado aniya ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na protektahan ang taong bayan kapag mayroong banta sa seguridad ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.