10 migrants, patay sa paglubog ng bangka sa Greece
Hindi bababa sa 10 katao ang nalunod habang dalawang iba pa ang nawawala matapos lumubog ang isang bangkang naglululan ng 25 na migrants sa eastern Aegean Sea.
Ayon sa coast guard ng Greece, kabilang sa mga namatay ay limang bata, apat na lalaki at isang babae.
13 katao naman ang nasagip, at nagsasagawa na rin ang mga otoridad ng search mission para hanapin ang dalawang nawawala.
Pinaniniwalaan ng mga otoridad na mula sa Turkey ang mga migrants na naaksidente noong Miyerkules sa may isla ng Farmakonissi.
Tinatayang nasa 820,000 refugees at economic migrants ang tumatawid sa eastern islands ng Greece ngayong taon sa pamamagitan ng delikadong pagsakay sa bangka na nakukuha nila sa mga smuggler sa Turkey.
Ginagawa nila ito sa pagasang magkaroon ng mas magandang pamumuhay sa mayayamang bansa sa Europe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.