4 na pulis patay sa ambush ng NPA sa Negros Oriental

By Len Montaño July 18, 2019 - 11:56 PM

Patay ang apat na pulis matapos tambangan ng hinihinalang mga rebeldeng komunista sa Barangay Manato sa Ayungon, Negros Oriental araw ng Huwebes.

Ayon kay Police Major Leo Logronio, nakasakay sa tatlong motorsiklo ang apat na pulis nang pagbabarilin sila ng pinaniniwalaang mga miyembro ng New People’s Army (NPA).

Dead on the spot ang mga pulis matapos silang paulanan ng bala ng mga suspek.

Agad namang tumakas ang mga rebelde sa iba’t ibang direksyon matapos ang ambush.

Wala pang inilabas na pagkakilanlan sa apat na pulis.

Patuloy ang imbestigasyon sa krimen at pagtugis sa mga suspek.

 

TAGS: 4 pulis, ambush, Ayungon, dead-on-the-spot, komunista, Negros Oriental, NPA, patay, rebelde, 4 pulis, ambush, Ayungon, dead-on-the-spot, komunista, Negros Oriental, NPA, patay, rebelde

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.