DOTr: 400 PWDs nakinabang sa libreng sakay ng MRT-3

By Noel Talacay July 18, 2019 - 11:42 PM

Umabot sa 400 na mga pasaherong may kapansanan o persons with disabilities (PWDs) ang nakinabang sa libreng sakay ng MRT-3 araw ng Huwebes.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang libreng sakay sa MRT-3 ng mga PWD ay nagsimula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali at mula alas 3:00 hanggang alas 5:00 ng hapon.

Ang libreng sakay ay pakikiisa ng DOTr sa selebrasyon ng ika-41 National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week.

Nagpasalamat ang ahensya sa publiko na patuloy na tumatangkilik sa MRT-3.

Ayon pa sa DOTr, patuloy silang magbibigay ng mga serbisyo at programa para sa mga pasahero ng MRT-3.

 

TAGS: dotr, libreng sakay, mrt-3, National Disability Prevention and Rehabilitation Week, pwd, dotr, libreng sakay, mrt-3, National Disability Prevention and Rehabilitation Week, pwd

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.