Mariing kinondena ng Malacanang ang panggagahasa at pagpatay sa isang taong gulang na sanggol na lalaki sa Makati City noong miyerkules.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police na magsagawa ng malalimang imbestigasyon para agad na maparusahan ang suspek na si Gerald Reparip na una nang umamin sa krimen.
Pinapupurihan ng palasyo ang PNP sa mabilis na pagkakaaresto kay Reparip.
Bagama’t hindi pa lumalabas ang drug test kay Reparip kung gumagamit ito ng illegal na droga, sinabi ni Panelo na demonstrasyon ito na ang ginagawa ng mga nasa sindikato ng droga ay walang ibang layunin kundi sirarin ang lipunan at pamilya ng mga Filipino.
Nanindigan pa si Panelo na hindi nagkukulang ang administrasyon sa paglaban sa illegal na droga.
Una nang inamin ni riparip na ginahasa niya ang sanggol at nadala lamang sa impluwensya ng alak.
“We assure everyone that authorities will leave no stone unturned to give justice to the young boy and his family”, dagdag pa ng kalihim.