Ipinanukala ni Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo ang pagkakaroon ng Food Security Fund na layong tugunan ang problema sa pagkain sa bansa.
Sa ilalim ng House Bill 1350 na inihain ng kongresista, lilikha ng Office of National Food Security sa ilalim ng Office of the President.
Ang Office of National Food Security ang siyang mangangasiwa sa Food Security Fund kung saan dito kukunin ang pondo para sa suporta at pag-finance sa mga proyekto at programa ng gobyerno na tumutugon sa kakulangan ng suplay ng pagkain sa bansa.
Mangangailangan naman ng P20 Billion para maisakatuparan ang mga food sufficiency at food security programs.
Maliban sa tugunan ang kakulangan ng suplay ng pagkain, layunin din ng panukala na tugunan ang problema sa malnutrisyon at kagutuman.
Sa kasalukuyan ay aabot sa 9.3 million ang mga pamilyang Pilipino na maituturing na ‘food-poor’ habang 7.36 million na mga kabataan na may edad lima pababa ang malnourished.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.