Malaking bahagi ng QC mawawalan ng suplay ng tubig

By Noel Talacay July 18, 2019 - 03:49 PM

Inquirer file photo

Makararanas ng water interruption ang ilang barangay ng Quezon City mula ngayong araw hanggang bukas, araw ng Biyernes.

Ayon sa abiso ng Manila Water, ito ay dahil sa gagawing repair sa mainline Leak sa 15th Ave, Barangay E. Rodriguez.

Magsisimula na mawalan ng tubig alas-7:00 mamayang gabi hanggang alas-5:00, Biyernes ng umaga, July 19.

Maaapektuhan ang mga Barangay ng nasabing lunsod ay ang Barangay E. Roriguez, Silangan, Mangga, Socorro, San Jose, Tagumpay, Masagana, Bagumbuhay, Villa Maria Clara, at Milagrosa.

Kasama rin ang mga Baranggay ng Acropolis, Bagumbayan, White Plains, Dioquino Zobel, Camp Aguinaldo, Ugong Norte, Valle Verde 6 at 7 Ugong, Pasig.

Pinapayuhan naman ang mga consumer ng Manila Water sa mga apektadong mga Barangay na mag-ipon ng tubig na aabot hanggang umaga ng Biyernes, June 19.

TAGS: BUsiness, leak repairs, manila water, quezon city, BUsiness, leak repairs, manila water, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.