Robredo tiwala pa rin na kakatigan ng PET ang kanyang panalo bilang VP
Nirerespeto ni Vice President Leni Robredo ang pag-deny ng Presidential Electoral Tribunal (PET) sa kaniyang motion for an immediate resolution sa poll protest na inihain ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos.
Sa kabila nito, sinabi ni Atty. Ma. Bernadette Sardillo, legal counsel ng bise presidente, na hindi pa rin maituturing ang pagkapanalo ng kampo ni Marcos.
Aniya pa, nagdesisyon ang PET na i-hold ang desisyon para magsagawa ng validation para makumpirma ang resulta ng recount mula sa tatlong probinsya.
Naka-hold din aniya ang hiling ng mga Marcos para sa annulment.
Ipinaliwanag ni Sardillo na itinulak ang resolusyon sa kaso para maiwasan ang pagkakalat ng kampo ni Marcos ng misinformation at propaganda para linlangin ang publiko ukol sa tunay na resulta ng 2016 elections.
Kampante naman aniya si Robredo na makukumpirma ang kaniyang pagkapanalo bilang bise presidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.