Inihalimbawa ng pangulo ang isang tweet ni Locsin na tahasang pambabastos sa isang babae kung saan tinutukoy nito na ang pribadong ari ng babae.
“So they took. Na sabi nila ako raw misogynist tapos I hate women. Pagdating ni Teddy Boy — Teddy Boy Locsin, ‘yung Foreign Secretary ko, nag-tweet ‘yan, he’s an Ateneo graduate. Sabi niya, “I will get…” ‘yung fork na parang pala. May sinabi, “I’ll get that fork and ram it into your genitalia and I will twirl it several times and pull it out.” Grabe, o tahimik na sila ngayon lahat. Well, may mas deadly pa pala sa akin,” ayon sa pangulo.
Ayon sa pangulo, hindi niya kayang gawin ang mga pahayag ni Locsin dahil magagalit ang kanyang anak na babae na si Davao City Mayor Sara Duterte.
Dagdag pa ng pangulo, hindi rin siya nakapagbibiro ng bastos sa loob ng kanyang pamamahay dahil tiyak na magagalit si Mayor Sara.
“I cannot say that in… Well, of course, if I say that my daughter will… Mamaya-maya si Sara ko talagang magagalit ‘yan. She does not want ‘yung ganun. In the house, I cannot say jokes about women. Nagagalit ‘yang anak ko si Sara,” dagdag pa ng pangulo.
Una nang inamin ni Pangulong Duterte sa harap ng publiko na hindi niya kayang suwayin si Mayor Sara.
Matatandaang una nang umani ng batikos si Pangulong Duterte dahil sa pagiging palamaura at pambabastos sa mga babae.