Customs Commissioner Guerrero dapat ding managot sa korapsyon sa BOC ayon sa ilang kongresista
Sa harap ng sibakan sa Bureau of Customs dahil sa internal cleansing naniniwala ang ilang kongresista na kailangan ding mapanagot si Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrerro dahil sa command responsibility.
Ayon kina Parañaque City Rep. Joy Tambunting at Gabriela party-list Rep.
Arlene Brosas, kailangang harapin ni Guerrero ang accountability sa isyu ng korapsyon sa adwana bilang siya ang pinuno nito.
Paliwanag ni Tambunting, kilala ang BOC sa talamak na korapsyon kaya kailangang gumawa ng hakbang ang pamahaalan upang maputol ang ugat nito.
Sinabi naman ni Brosas na dapat ay direktang mapanagot si Guerrero sa isyu ng korapsyon sa kanyang ahensya.
Kailagan din anyang maparusahan ang mga mapapatunayang corrupt na empleyado at opisyal ng adwana upang magtagumpay ang anti-corruption drive ng pamahalaan.
Magugunitang sinabi ng BOC na handa nitong palitan ang 64 na kawani nito na sisibakin ni Pangulong Duterte dahil sa alegasyon ng korapsyon.
Nauna rito, nanawagan si Brent De Jesus, tagapagsalita ng grupong Transparency in Public Service (TIPS), na magsumite na ng kanyang courtesy resignation si Guerrero bilang pagsunod sa principle ng command responsibility.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.