2 patay sa Cagayan dahil sa bagyong Falcon

By Dona Dominguez-Cargullo July 18, 2019 - 12:11 PM

Patay ang dalawang katao sa lalawigan ng Cagayan dahil sa pananalasa ng bagyong Falcon.

Ayon kay Atanacio Macalan, pinuno ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, kapwa nalunod sa magkahiwalay na insidente ang dalawa.

Ang mga nasawi ay residente ng Abulug at Gattaran.

Ayon sa PDRRMO, siyam na lansangan at tatlong tulay sa Cagayan ang nananatiling hindi madaanan.

TAGS: Cagayan, drowning incident, falcon, Cagayan, drowning incident, falcon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.