Pagpapatupad ng ‘Bawal Bastos Law’ hamon sa mga otoridad

By Erwin Aguilon July 18, 2019 - 12:03 PM

Malaki ang paniniwala ni Gabriela Rep. Arlene Brosas na magiging malaking hamon ang pagpapatupad ng “Bawal Bastos Law”.

Ayon kay Brosas, ironic na maituturing ang pagpirma ni Pangulong Duterte sa “Bawal Bastos Law” dahil ang Presidente pa nga ang nangunguna sa mga paglabag na nakasaad sa batas.

Iginiit nito na chief propagator si Duterte ng kultura na nanghahamak at nag-o-objectify sa mga kababaihan dahil sa mga macho-fascist at misogynistic remarks nito.

Dahil dito, malaking hamon para sa mga otoridad ang pagpapatupad ng batas na ito lalo na kung ang number 1 violator ay Presidente pa ng bansa.

Sinabi pa ni Brosas na hihintayin nila ang araw na ang mismong pumirma sa batas ang siyang magiging biggest offender at mapaparusahan dahil sa pambabastos.

TAGS: anti bastos law, president duterte, rep arlene brosas, anti bastos law, president duterte, rep arlene brosas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.