Paniningil ng LTO para sa mga bagong plate number, tigil muna

By Jay Dones December 24, 2015 - 12:32 AM

 

lto-plate (1)Ihihinto muna pansamantala ng Land Transportation Office o LTO ang paniningil ng bayad para sa mga kukuha ng mga bagong license plate kapalit ng mga lumang plaka ng sasakyan.

Ito’y matapos magpalabas ng Notice of Disallowance ang Commission on Audit sa hakbang na ito ng paniningil ng bayad ng LTO para sa mga bagong plaka.

Dahil sa pansamantalang suspensyon, hindi na muna obligadong magbayad ng karagdagang P450 ang mga may-ari ng sasakyan para sa mga bagong plaka sa sakaling magpaparehistro silang muli.

Samantala, ang mga nakapagbayad na ay iisyuhan ng mga bagong license plates sa oras na maresolba na ang usapin sa COA.

Matatandaang noong May 2014, inilunsad ng Department of Transportation and Communication ang Plate Standardization Program para sa mga bagong sasakyan.

Noong January 2015 naman, nagpalabas ng Memorandum Circular No. AVT-2014-1895 ang LTO na nag-uutos sa mga may-ari ng mga lumang sasakyan na kumuha ng mga bagong plaka kapalit ng kanilang mga lumang license plates.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.