10 babaeng Chinese nailigtas sa insidente ng human trafficking sa Laguna

July 18, 2019 - 10:12 AM

Nailigtas mula sa isang bugaw ang 10 babaeng Chinese National sa isang bahay sa Biñan, Laguna.

Ayon kay Biñan police chief Lt. Col. Danilo Mendoza, matagal na binantayan ng mga otoridad ang lugar makaraang isang Chinese na dating nagtatrabaho doon ang nakahingi sa kanila ng tulong.

Sinabi ni Mendoza na kapwa Chinese din ang mga kostumer na nakikitang labas-masok sa establisyimento.

Alanganing oras pa pumapasok sa lugar ang mga dayuhan sa pagitan ng alas 12:00 ng hatinggabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw.

Pinapangakuan umano ang mga babae na bibigyan sila ng trabaho bilang call center agent pero kalaunan ay ibubugaw pala.

Nakatakdang makipag-ugnayan ang pulisya sa Bureau of Immigration para alamin kung may karampatang dokumento ang mga Chinese na babae.

TAGS: Biñan Laguna, Chinese Nationals, human trafficking, Radyo Inquirer, Biñan Laguna, Chinese Nationals, human trafficking, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.