Baguhang aktres na si Jane De Leon, nagpasalamat sa pagkakapili sa kanya bilang ‘Darna’

By Dona Dominguez-Cargullo July 18, 2019 - 09:04 AM

Nagpasalamat ang Kapamilya star na si Jane De Leon sa pagkakapili sa kanya para gumanap na ‘Darna’.

Sa kanyang Instagram Account, sinabi ni Jane na nagpapasalamat siya sa ibinigay na tiwala sa kanya.

Nagpahayag naman ng suporta ang aktres na si Angel Locsin, na orihinal na gaganap sana sa pinay super hero.

Maging si Liza Soberano na gaganap sana sa nasabing papel pero umatras dahil sa injury at nagpa-abot ng pagbati kay De Leon.

Hindi na baguhan sa pelikula at telebisyon si De Leon na napanood na sa teleseryeng Halik at sa pelikulang debutantes.

Samantala, tiwala naman ang direktor ng bagong Darna movie na si Jerrold Tarog na mabibigyan ni De Leon ng hustisya ang pag-ganap sa iconic role. (end JT)

TAGS: Darna, Jane De Leon, Radyo Inquirer, showbiz, Darna, Jane De Leon, Radyo Inquirer, showbiz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.