Babaeng guro arestado sa buy-bust sa Iloilo City

Arestado ang isang guro sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Santa Cruz, Arevalo, Iloilo City.

Ang 45 anyos na babaeng suspek ay aktibong guro at nagtuturo sa isang Elementary School sa Mandurriao District.

Nagpositibo ang ikinasang buy-bust ng pulisya sa suspek at nakuhanan ito ng ilegal na droga na tinatayang aabot sa P5,000 ang halaga.

Noong Marso ay nadakip ang live-in partner ng guro na itinuturing na drug personality sa lugar.

Read more...