Antas ng tubig sa Angat dam nabawasan pa rin

By Dona Dominguez-Cargullo July 18, 2019 - 08:54 AM

Sa kabila ng mga pag-ulang naranasan dulot ng bagyong Falcon at Habagat, nabawasan pa rin ang water level ng Angat dam.

Sa update ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong araw ng Huwebes (July 18) nasa 158.27 meters ang water level ng Angat dam.

Nabawasan ito kumpara sa 158.38 meters na water level kahapon.

Marami-rami naman ang nadagdag sa Ipo dam, na ngayon ay nasa 100.43 meters mula sa 99.35 meters kahapon.

Ang La Mesa dam bahagya ring nadagdagan at ngayon ay nasa 72.73 meters ang water level.

Nadagdagan din ang water level ng Ambuklao, Binga, San Roque, at Pantabangan.

Habang nabawasan ang water level ng Magat at Caliraya.

TAGS: Angat Dam, dam status, Radyo Inquirer, water level, Angat Dam, dam status, Radyo Inquirer, water level

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.