Mahigit 500 kilo ng ‘hot meat’ nakumpiska sa Divisoria

Nakumpiska ng mga otoridad ang 532 na kilo ng ‘hot meat’ o botcha sa Divisoria, Maynila.

Nakumpiska ang mga ‘botcha’ sa ikinasang surprise inspection sa Elcano Street.

Ayon sa Manila Veterinary Inspection Board (VIB) tinatayang aabot sa P80,000 ang halaga ng mga nakumpiskang ‘hot meat’.

Ang nasabing mga karne ay kinatay sa hindi accredited na meat establishments.

Dahil dito, posibleng hindi ito ligtas bilhin at kainin.

Kasabay nito nanawagan si Manila Mayor Isko Moreno sa publiko na maging mapanuri sa kanilang binibili.

Patuloy din ang apela ng alkalde sa publiko na ituloy lang ang pag-rereport ng mga ganitong uri ng ilegal na aktibidad.

Read more...