Dalawang establisyimento sa Makati inisyuhan ng closure order dahil sa kawalan ng business permit

By Dona Dominguez-Cargullo July 18, 2019 - 08:30 AM

Dalawang establisyimento sa Makati City ang ipnasara dahil sa pag-ooperate ng walang business permit.

Pinuntahan ng mga tauhan ng Makati Business Permits Office ang Chen Chen Spa Services sa Brgy. Valenzuela at inisyuhan ito ng closure order.

Ipinasara din ang Fresh Options sa Brgy. Palanan.

Ayon kay Makati Mayor Abby Binay, natuklasang walang lehitimong business permit mula sa City Hall ang dalawang kumpanya pero patuloy sa operasyon ang mga ito.

Binalaan ni Binay ang lahat ng nagnenegosyo sa lungsod ng walang karampatang permit.

Nanawagan din si Binay sa publiko na i-report sa Makatizen App kung may malalaman silang establisyimentong nag-ooperate ng walang business permit.

TAGS: business establishment, business permit, closure order, makati city, business establishment, business permit, closure order, makati city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.