Facebook nakaranas ng outage

Nakaranas ng outage ang Facebook sa ilang bahagi ng mundo.

Ilang minutong hindi ma-access ang Facebook Huwebes (July 18) ng umaga, oras sa Pilipinas.

Ayon sa tracking website na “Downdetector” nakatanggap sila ng report mula sa mga user na nakaranas ng aberya sa Facebook na ang iba ay hindi maka-login at ang iba ay nakaranas ng :total blackout” sa kanilang page.

Kabilang sa mga naapektuhan ang Pilipinas, Japan, Australia at New Zealand.

Sa Pilipinas, nag-number 3 na trending sa Twitter ang #facebookdown.

Read more...