Sexbomb management itinangging miyembro nila ang nadakip sa buy-bust sa Laguna

By Dona Dominguez-Cargullo July 18, 2019 - 07:57 AM

Itinanggi ng management ng Sexbomb Dancers na dati nilang miyembro ang naaresto sa buy bust sa Laguna.

Matapos lumabas sa balita na may dating miyembro ng Sexbomb Dancers ang nadakip sa buy-bust sinabi ng management ng grupo na hindi totoong miyembro nila ang babae.

Isang Sheena Joana Roño Uypico ang inaresto sa Laguna at tinukoy ito sa mga balita na miyembro ng isang popular na dance group.

May ibang media outlets namamn ang nagbalita na ang naaresto ay si Sheena Flores de Castro at ginamit ang larawan ng sexbomb member sa kanilang balita.

Si Sheena De Castro ay naka-base na sa Amerika ngayon.

Nagulat din si De Castro nang makita ang mga balita na nagsasabing siya ay nadakip.

Umapela ang management ng dance group na iberipika muna ang ulat bago isapubliko.

TAGS: buy bust, sexbomb dancers, sheena de castro, War on drugs, buy bust, sexbomb dancers, sheena de castro, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.