Karaniwang sinususpinde ang number coding scheme sa tuwing may mga holiday tulad ng Pasko at Bagong Taon.
Ang suspensyon ng number coding ay ipinatutupad upang mabigyan ng pagkakataon ang mga motorista na magamit ang kanilang mga sasakyan kahit ipinagbabawal dapat sa mga lansangan ang kanilang behikulo sa lansangan sa takdang araw.
Dahil sa suspensyon ng number coding, maaring makabiyahe sa December 24, Huwebes at 25, Byernes ang mga behikulong nagtatapos sa 7 hanggang 0.
Samantala, makakabyahe naman sa December 30, Miyerkules at 31, Huwebes ang mga sasakyang nagtatapos ang plaka sa pagitan ng numbering 5 hanggang 8.
MOST READ
LATEST STORIES