Bagyong Falcon napanatili ang lakas, lalabas na ng bansa mamayang gabi

By Dona Dominguez-Cargullo July 18, 2019 - 05:33 AM

Napanatili ng Bagyong Falcon ang lakas nito habang kumikilos papalayo ng bansa.

Sa weather bulletin ng PAGASA huling namataan ang bagyo sa layong 230 kilometers Northeast ng Basco, Batanes.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong pa-Hilaga.

Taglay pa rin ang bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.

Nakataas pa rin ang signal number 2 sa Batanes at signal number 1 naman sa Babuyan Group of Islands

Ngayong araw, makararanas pa rin ng katamataman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang Ilocos Region, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, at northern Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo Islands.

Mahina hanggang katamtamang pag-ulan na man ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.

Mamayang gabi ay inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyo.

TAGS: falcon, Pagasa, Tropical storm, weather, falcon, Pagasa, Tropical storm, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.