Mayor Vico Sotto naintriga sa ‘Cassie’ meme

By Len Montaño July 18, 2019 - 05:01 AM

Kahit isa siyang millennial, tila may mga bagay na hindi agad naintindihan si Pasig City Mayor Vico Sotto pagdating sa mga viral memes.

Si Sotto ang isa sa mga lokal na opisyal sa Metro Manila na nauna sa anunsyo ng class suspension dahil sa Bagyong Flacon.

Pero ang kanyang abiso ay sinabayan ng mga netizen ng meme ukol sa isang karakter sa ABS-CBN teleserye Kadenang Ginto na ang pangalan ay Cassie.

Isang netizen ang nagsabi sa Alkalde na “Cassie hindi ka muna papasok sa iskol.”

Ikinagulat ito ni Sotto kaya nagtanong ito kung sino si Cassie, bagay na ipinaliwanag naman sa kanya ng mga netizens.

Isang netizen pa nga ang nag post ng video kung saan ginaya nito ang eksena na nabanggit ang pangalan ni Casie.

TAGS: Bagyong Falcon, Cassie, Kadenang Ginto, Mayor Vico Sotto, Meme, Bagyong Falcon, Cassie, Kadenang Ginto, Mayor Vico Sotto, Meme

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.