3 patay sa pamamaril sa Maynila

Nasawi sa magkakasunod na insidente ng pamamaril ang tatlong lalaki sa Sampaloc, Maynila.

Pinagbabaril ng riding-in-tandem sa bahagi ng Quezon Boulevard, Brgy. 464 si Joel Aquino, 31 anyos habang nasa lamay ng kanyang tiyuhin.

Binaril sa kaparehong lugar ang tiyuhin ni Aquino na si Juanito Baful 49, anyos, at ang kumpare nitong si Reynaldo Caguioa, 53 anyos.

Sakay ng SUV ang bumaril kina Baful at Caguioa at agad na tumakas matapos ang insidente.

Ayon sa pulisya, pare-parehong nasa drugs watchlist ang tatlong biktima ng pamamaril.

Tinitingnang motibo sa pamamaslang ang onsehan sa droga.

Parehong kalibre .45 na baril din ang ginamit ng mga suspek sa pamamaslang.

Dahil dito, isasailalim sa cross matching ang nakuhang mga basyo ng bala para malaman kung iisang grupo lang ang nasa likod nito.

 

 

Read more...