3 patay sa pamamaril sa Maynila

By Rhommel Balasbas July 18, 2019 - 04:51 AM

Nasawi sa magkakasunod na insidente ng pamamaril ang tatlong lalaki sa Sampaloc, Maynila.

Pinagbabaril ng riding-in-tandem sa bahagi ng Quezon Boulevard, Brgy. 464 si Joel Aquino, 31 anyos habang nasa lamay ng kanyang tiyuhin.

Binaril sa kaparehong lugar ang tiyuhin ni Aquino na si Juanito Baful 49, anyos, at ang kumpare nitong si Reynaldo Caguioa, 53 anyos.

Sakay ng SUV ang bumaril kina Baful at Caguioa at agad na tumakas matapos ang insidente.

Ayon sa pulisya, pare-parehong nasa drugs watchlist ang tatlong biktima ng pamamaril.

Tinitingnang motibo sa pamamaslang ang onsehan sa droga.

Parehong kalibre .45 na baril din ang ginamit ng mga suspek sa pamamaslang.

Dahil dito, isasailalim sa cross matching ang nakuhang mga basyo ng bala para malaman kung iisang grupo lang ang nasa likod nito.

 

 

TAGS: Droga, drugs watchlist, manila, onsehan, patay sa pamamaril, riding in tandem, Droga, drugs watchlist, manila, onsehan, patay sa pamamaril, riding in tandem

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.