MWSS: Water interruptions posible pa ring maulit sa susunod na taon
Nangangamba ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na maulit pa rin ang krisis sa tubig sa susunod na taon.
Ito ay dahil kritikal pa rin ang tubig sa Angat Dam kahit idineklara na ang panahon ng tag-ulan.
Sa isang panayam, sinabi ni MWSS chief regulator Patrick Ty na may posibilidad pa rin na magkaroon ng water interruptions sa 2020 kung hindi mapupuno ang mga dam sa kabila ng mga pag-ulan.
Gayunman, hindi magiging kasinglala ng krisis ngayong taon ang posibleng kakulangan sa tubig sa 2020.
Sinabi naman ni Ty na maaari sanang gamitin ang tubig sa Manila Bay sa pamamagitan ng prosesong tinatawag na desalination.
Pero kaakibat anya nito ay ang lubhang pagtaas ng bayarin sa tubig,
Ang P30 hanggang P40 na presyo ng tubig kada cubic meter sa kasalukuyan ay posibleng umabot sa P90 hanggang P100 hindi pa kasama ang distribution cost.
Samantala, iniimbestigahan na ngayon ng MWSS Regulatory Office ang malabong tubig na inirereklamo ng Maynilad customers.
Hinamon ni Ty ang mga opisyal na Maynilad na inumin ang malabong tubig matapos sabihin ng water concessionaire na hindi ito mapanganib at ligtas inumin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.