Mexican drug lord Joaquin ‘El Chapo’ Guzman hinatulan ng life imprisonment

Pagkakakulong habambuhay ang sentensya ng hukom sa Estados Unidos laban sa Mexican drug kingpin at escape artist na si Joaquin “El Chapo” Guzman.

Ang 62 anyos na si Guzman ay hinatulang ‘guilty’ noong Pebrero sa 10 kaso kabilang ang drug trafficking at money laundering.

Si Guzman ang dating pinuno ng Sinaloa cartel, ang sinasabing pinakamalaking supplier ng droga sa Estados Unidos.

Nagawang makatakas ng drug lord sa Mexican jail noong 2015 sa pamamagitan ng pagdaan sa tunnel ngunit naaresto rin kinalaunan.

Ipinatapon si Guzman sa US taong 2017.

Sa pamamagitan ng interpreter, tinawag ni Guzman na ‘torture’ ang kanyang pagkakakulong sa US at iginiit na hindi naging patas ang pagdinig sa kanyang kaso.

Ikukulong si Guzman sa ‘tonnes of steel’ o ang high-security prison sa Colorado.

Inanunsyo naman ng abugado ng drug lord na si Jeffrey Lichtman ang planong iapela ang sentensya at sinegundahan ang sinabi ng kanyang kliyente tungkol sa unfair trial.

Naimpluwensyahan lamang umano ang mga hukom ng media coverage.

 

Read more...