TNT nangunguna na sa PBA matapos talunin ang Magnolia

By Len Montaño July 18, 2019 - 04:41 AM

PBA Media Bureau

Nangunguna na ngayon sa 2019 PBA Commissioner’s Cup ang TNT matapos nitong talunin ang Magnolia sa score na 98-83.

Ito na ang ika-apat na sunod na talo ng Magnolia na makakaharap ang Barangay Ginebra sa best of 3 quarterfinals sa Sabado.

Habang ang TNT ay sunod na makakalaban sa Linggo kung sino ang mananalo sa playoff ng Alaska at Meralco

Pinangunahan ni Roger Pogoy ang panalo ng TNT sa ginawa nitong 20 points habang gumawa si Jayson Castro ng 13 points.

Hindi naman maganda ang scoring debut ng import na si Rakeem Christmas para sa Magnolia na nagtala lamang ng 8 points.

Habang si Paul Lee ay nag-ambag ng 23 points pero bigo pa rin ang koponan.

 

TAGS: Jayson Castro, Magnolia, nangunguna, pba commissioner's cup, Roger Pogoy, TNT, Jayson Castro, Magnolia, nangunguna, pba commissioner's cup, Roger Pogoy, TNT

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.